^

Bansa

Modified truck ban palalawigin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa magandang epekto sa pagpapaluwag sa daloy ng trapiko, maaaring palawigin pa ng Metropolitan Manila Development Autho­ rity (MMDA) ang implementasyon ng “modified truck ban”.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na posibleng hindi pa nila itigil ang implementasyon nito kahit na inisyal na hanggang Enero 6 lamang epektibo ang modified truck ban.

Sa ilalim nito, ipinagbabawal ang pagbiyahe sa mga pangunahing lan­­­sangan ng lahat ng uri ng trak mula alas-6 hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 hanggang alas-10 ng gabi habang total ban na­man sa EDSA mula Ma­gallanes hang­gang Tri­noma Mall sa Quezon City. Hindi na­­man kasama rito ang mga trak na may dalang nabubulok o nasisirang produkto.

Sinabi ni Tolentino na patuloy ngayon ang konsultasyon nila sa Metro Manila Council (MMC) partikular kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, chairman ng Special Traffic Committee (STC) ukol sa ekstensyon ng modified truck ban.

Sinabi pa nito na kung maitutuloy ito, mag­tutuluy-tuloy ang mas maluwag na daloy ng trapiko kasabay ng implementasyon nila ng “bus segregation scheme” sa EDSA.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DAHIL

ENERO

METRO MANILA COUNCIL

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

SHY

SINABI

SPECIAL TRAFFIC COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with