Clark airport papalitan na ng DMIA
MANILA, Philippines - Papalitan na ang pangalan ng Clark International Airport (CIA) sa Diosdado Macapagal International Airport (DMIA).
Ayon kay Pampanga 1st district Rep. Carmelo Lazatin ang pagpapalit ng pangalan ng CIA ay isinusulong sa House Bill 6699 na inaprubahan sa bisa ng Board Resolution, 07-08 ng Clark Development Corporation noong Hulyo 2001.
Ito umano ang panahon na ginugunita ang ika-91 birth anniversary ni dating pangulong Diosdado Macapagal noong Setyembre 28, 2001.
Paliwanag ng mambabatas, ito ay bilang pagkilala na rin sa kinikilala at respetadong lider ng Pampanga at kauna-unahang Kapampangan president.
Ang mga Amerikano naman umano ang nagpangalan sa Clark Air Base bilang pagpupugay sa foreign aviation pioneer na si Major Harold Clark ng US Army Signal Corps. na namatay sa seaplane crash sa Panama Canal noong 1919 samantalang ang iba pang installations na nakapangalan sa mga Amerikano ay pinalitan bilang pagkilala naman sa mga Filipino.
- Latest