Mag-ingat sa pagkain ng lechon - DOH
MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) sa publiko laban sa sobrang pagkain ng masarap at malutong na lechon ngayong holiday season.
Ayon sa ahensya, kung nais kumain ng lechon ay dapat na alalahanin ang ilang mahalagang dietary reminders tulad nang pagkain ng kaunting karne.
Dapat ding gumamit lamang ng maliit na plato at samahan ang kakainin ng maraming gulay, partikular ang mayaman sa carbohydrates at protina.
Sundan ito ng pag-inom ng maraming tubig dahil makatutulong ito upang malinis ang katawan ng tao, gayundin sa digestion o pagtunaw ng kinain.
Sinabi naman ni DOH Assistant Secretary Eric Tayag, bukod sa paggamit ng paputok ay dapat ring maging maingat ang mga tao sa kanilang diet sa holiday season kung kailan kaliwa’t kanan ang handaan.
Pinaalalahanan na rin ni Tayag ang publiko hinggil sa mga madaling masirang pagkain na maaaring magdulot ng sakit.
Sakali umanong makaramdam ng hindi maganda dahil sa kinain tulad ng pagsakit ng tiyan, pagduduwal, pagsusuka, pagtatae o anumang gastrointestinal diseases ay agad magpasuri sa doktor upang mabigyan ng paunang lunas.
- Latest