^

Bansa

Late Solon pinarangalan ng House

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kahit nakabakasyon ang Kamara ay binigyang pugay pa rin nito ang pumanaw na si Bohol Rep. Erico Aumentado.

Pinangunahan nina House Speaker Feliciano Belmonte, Minority leader Danilo Suarez, Deputy Minority leader Mitos Magsaysay at mga mi­yembro ng minority bloc ang ginawang necrological services kahapon kay Aumentado.

Si Aumentado ay na­ging miyembro ng 9th, 10th, 11th at 15th Congress kung saan bago pumanaw ay nagsilbing chairman ng House Committee on Et­hics and Privileges, miyem­bro ng Lakas Kampi Christian Muslim Democrats at minorya sa Kamara.

Binanggit naman ni Belmonte sa kanyang eulogy ang matagal na nilang pagkakaibigan ni Aumentado na nakapaghain ng 97 panukalang batas nito lamang 15th Congress. (Butch Que­jada/Gemma Garcia)

AUMENTADO

BOHOL REP

BUTCH QUE

DANILO SUAREZ

DEPUTY MINORITY

ERICO AUMENTADO

GEMMA GARCIA

HOUSE COMMITTEE

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KAMARA

LAKAS KAMPI CHRISTIAN MUSLIM DEMOCRATS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with