Tarlac gov., 5 pa kinasuhan

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong graft sa Office of the Ombudsman ang gobernador ng Tarlac at ilang matataas na opisyal ng lalawigan bunsod na rin ng reklamo ng isang private citizen.

Ang mga kinasuhan ay sina Tarlac Gov.Victor  Yap; provincial administrator Roberto Ventura; provincial treasurer Victoria Salvador; Administrative Asssistant Celia Aquino; Provincial budget officer Lorenzo Macaraeg at Special Project Head Jess Navarro.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ni Jesus Ronaldo Espinoza kung saan inakusahan nito si Aquino at iba pa ng Violation of Section 3(e) at (F)of R.A 3019.

Ayon kay Espinoza, Oktubre 5, 2012 pa niya isinampa ang naturang kaso laban sa mga opisyal ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa itong aksyon.

Naniniwala si Espinoza na malakas umano sa administrasyon ang mga nasabing opisyal kaya’t hindi umano umuusad ang kaso.

Sa ngayon, naghihintay na lamang ng resulta ng evaluation ang kaso upang agaran ng masuspinde ang naturang gobernador at ilang matataas na opis­yal ng probinsiya upang mabigyan ng katarungan at mangibabaw ang hustisya sa maliit na katulad ni Espinoza.

Show comments