Online stores hahabulin na ng BIR

MANILA, Philippines - Pagbabayarin na ng buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga nagtitinda sa internet pagpasok ng 2013.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, bukod sa mga propesyunal, hahabulin na rin nila ang mga online store na malaki ang kinikita pero hindi nag-iisyu ng resibo at walang buwis na binabayaran sa gobyerno.

Sinabi ni Henares na ang mga online stores ay walang pinagkaiba sa ordinaryong stalls at malls na nag-aalok ng malaking promo pero’ di tumutupad sa kanilang responsibilidad sa pamahalaan.

Ani Henares, kung pagbabayarin ang mga online stores ng buwis, aabot sa P300 bilyon ang maaaring kitain dito ng pamahalaan.

Show comments