Xmas wrapper i-recycle
MANILA, Philippines - Mas makabubuti kung itatago at muling gamitin sa susunod na Pasko ang mga gift wrapper mula sa mga natanggap na regalo ngayong Pasko at Bagong Taon.
Sinabi ni Tin Vergara, ng EcoWaste Coalition, hindi dapat na basta na lamang punitin, lamukusin at itapon ang mga gift packaging dahil maaari pa itong mapakinabangan.
Iginiit nito na ang pagtatago at muling paggamit ng mga gift packaging ay makatutulong upang mabawasan ang mga ‘holitrash’ o holiday trash at maiwasan ang environmental degradation.
Binigyan-diin pa ng grupo na ang mga bag, kahon, cards, hampers, packets, wrapper at mga ribbons na ginamit sa mga natanggap na regalo ay maaaring gamitin sa iba’t ibang pamamaraan.
Inihalimbawa nila ang mga Christmas paper o plastic gift bags na maaaring gamiting carry bags o pouches para sa school supplies, class projects, mga pangangailangan sa opisina at iba pa; at Christmas gift boxes naman ay maaaring gawing organizer para sa maliliit na laruan, trinkets at iba pang kukutin, mga larawan, mementos, sewing kit, CDs at DVDs, at taguan ng mga bills.
Habang ang mga Christmas cards naman ay maaaring gawing bookmarks at gift tags o mga eco-art at materyales para sa Christmas card tree at iba pang dekorasyon para sa susunod na Pasko habang ang mga Christmas hampers naman, partikular ang mga native basket o plastic tray ay maaari ring gamiting containers para sa sariwang prutas, processed snacks, ornamental plants, at iba pa.
Sa kabila naman nito, sinabi ng grupo na mas mabuti pa nga kung huwag na lamang balutin ang regalo.
Base sa government data, ang Metro Manila ay nakakapag-produce ng 8,600 toneladang basura araw-araw o 50% food at organic discards, 25% plastic, 12% papel, 5% metal, 3% glass, 1% hazardous waste at 4% residual waste, at halos dumoble ito sa panahong may okasyon, tulad ng Pasko at Bagong Taon.
- Latest