MANILA, Philippines - Lumakas ang Bagyong Quinta habang kumikilos papuntang silangan ng Visayas.
Kahapon, alas-11:00 ng umaga, si Quinta ay namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronimical Services Administration (PAGASA) sa layong 260 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar taglay ang lakas ng hanging 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang 80 kilometro bawat oras.
Si Quinta ay patuloy na kumikilos pakanluran sa bilis na 19 kilometro bawat oras bunsod nito, nakataas ang babala ng bagyo bilang 2 sa Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Visayas at Dinagat Province sa Siargao Island sa Mindanao.
Signal number No.1 naman sa Northern Samar, Western Samar, East Surigao Del Norte, Surigao Del Sur, Agusan Provinces, Misamis Oriental, Camiguin Samar, Biliran, Bohol, Cebu, Camotes Island sa Visayas at Surigao Del Norte, Surigao Del Sur, Agusan Provinces, Misamis Oriental at Camiguin sa Mindanao.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa nabanggit na mga lugar na ugaliing mapagmasid at maghanda upang makaiwas sa disgrasya.