MANILA, Philippines - Naghain ng kanyang Certificate of Candidacy si Bro. Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord Movement sa Commission on Elections sa ilalim ng Bangon Pilipinas party kapa lit ni Israel Virgines.
Binawi ni Virgines ang kanyang kandidatura para sa senatorial bid upang bigyan daan ang kandidatura ni Villanueva na tatakbo bilang senador.
Matatandaang tumakbo si Villanueva noong Mayo 10, 2010 presidential elections subalit natalo.
Pinapayagan ng Comelec ang substitution of candidates hanggang Disyembre 21.