MANILA, Philippines - NAIS ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na maresolbahan ang rice smuggling sa bansa at maparusahan kung sino man ang mga nasa likod nito.
Muling nagtungo kahapon si Comm. Rosano “Ruffy” Biazon sa Senado upang pangunahan nito ang pagdalo sa patuloy na pagdinig sa rice smuggling sa Subic Freeport Zone.
Nabatid na sa pagpapatuloy ng hearing ay sumalang ang ibat-ibang negosyante ng bigas.
Matatandaang nasabat ng mga tauhan ni Biazon ang tangkang pagpuslit sa bansa ng mga bigas mula sa mga bansang India at Vietnam na aabot sa halagang kalahating bilyon piso, sa pamamagitan nang pagpasok nito sa Subic Freeport Zone.