Krimen sa Maynila target ni Maganto

MANILA, Philippines - Makaka-asa ng aktibong laban kontra kriminalidad ang Lungsod ng Maynila sa lebel ng mga barangay leaders sa ika-limang distrito ng siyudad.

Dumalo kamakailan ang 80 barangay chairmen sa unang Faith Maganto Cup 2012 fun and gun safety seminar.

Layunin ng pagtitipon na mas palakasin ang relasyon at pagtutulungan ng mga lider barangay para mas palakasin ang pamumuno ng mga komunidad.

Ayon sa kinikilalang Socio-Civic leader na si Faith Maganto “ito ang oportunidad para maranasan ang mas mataas na lebel ng kasanayan sa pamumuno.

Sa usaping laban kontra krimen karamihan kasi sa kanila (barangay chairman) takot hu­mawak ng baril at iyong iba hindi pa nakakahawak ng armas. Ang proyektong ito ay naglalayong turuan ng proper and safety handling of a pistol. Parang buhay din natin dapat proper handling, hindi iyong bara-bara.”

Base sa personal na karanasan ibinahagi naman ni ret. General Romy Maganto, na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga chairmen. “Sila ang backbone ng anumang political system. At ang kampan­ya kontra krimen ang pangunahing sandata ng sinumang pinuno para mapanatili ang kapayapaan at katahimikan sa isang lugar. Ang pagkakaisa ng mga lider na ito ay magpapa­lakas para masawata ang mga sindikato, grupo o sinumang notoryus na personalidad.”

Para naman kay Faith Ma­ganto, kailangan lang na mas paig­tingin ang tapang at pananampalataya ng sinumang lider barangay para maging epektibong pinuno.

 

Show comments