SB handang magpa-AIDS test

MANILA, Philippines - Handa si House Speaker Feliciano ‘Sonny’ Belmonte Jr. na sumailalim sa Acquired Immuno Deficiency Syndrome (AIDS) test.

Ito ay bilang tugon sa hamon ni Dangal National Network president at The Library Foundation executive director Jonas Bagas.

Ang hamon ay ginawa ni Bagas  sa mga namumuno sa bansa kabilang sina Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, Health Secretary Enrique Ona at iba pang miyembro ng gabinete.

Nilinaw naman ni Belmonte na hindi siya maaa­ring magsalita tungkol sa kung ano ang desisyon ng pangulo tungkol sa hamon ng grupo ng mga bisexual at transgender.

Paliwanag naman ni Bagas na ang hamon nila kay Pangulong Aquino at sa gabinete nito na sumailalim sa AIDS test ay upang mahikayat ang publiko na normal lamang ang ganitong pagsusuri.

Show comments