Dapat gumanti muna si Pacman bago magretiro -Solon

MANILA, Philippines - Dapat munang gumanti ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao kay Mexi­can boxer Juan Ma­nuel Marquez bago ito magretiro.

Ayon kay Isabela Rep. Giorgidi Aggabao, hindi pa rin opsyon para magretiro si Pacquiao kahit na napatumba ito ni Marquez sa katatapos na laban.

Giit ni Aggabao, dapat na bigyan ng pagkaka­taong makabangon muli ang Peoples Champ at makaganti kay Marquez sa pamamagitan ng 5th bout.

Para naman sa kaibigan ni Pacquaio na si San Juan Rep. JV Ejercito, marami pa rin sa mga fans nito ang nais na mapanood ang kanilang idolo na makipaglaban sa boxing ring.

Ayon naman kay Manila Rep. Amado Bagat­sing at Albay Rep. Edcel Lagman, nararapat lamang na magkaroon ng ika-limang pagtutuos si Pacquiao kay Marquez.

Paliwanag ng mga mambabatas, kung titing­nan sa scorecards ng mga hurado ay lamang si Pacquiao ngunit dahil sa pinakawalang suntok ni Marquez sa pambansang kamao ay nakatiyempo lamang ito para mapabagsak si Pacquaio.

Sinabi naman ni Zambales Rep. Milagros Magsaysay ang  pagtanggap ni Manny ng kanyang pagkatalo ay magandang halimbawa sa mga atleta na hindi pinalad na magkamit ng tagumpay kung saan sa halip na manisi ng kung sino sino at kung ano ano, ang ginawa nito ay magnilay at sinuri kung ano ang kanyang attitude sa pagpasok sa laban.

Show comments