‘Sin Tax’ solons iboboykot ng tobacco farmers

MANILA, Philippines - Titiyakin ng mga magsasaka ng mga  tobacco-producing provinces  ang pagkatalo  sa 2013 elections ng mga  mambabatas na re-electionist na utak sa pagpasa ng  mataas na excise tax law  na papatay naman sa local cigarette industry.

Ayon  sa Philtobacco Growers Association (PTGA) ikakampanya nila na matalo ang mga mambabatas hindi lamang sa mga kalsada kundi maging sa internet at social networking sites upang matiyak na ang mga “anti-farmer, anti-labor”  senador ay walang makukuhang boto hindi lang sa mga vote-rich provinces ng Northern Luzon, kundi sa buong bansa.

“Tulad ng sinabi na namin noon, halos magmakaawa na kami sa ating mga mambabatas na pakinggan naman ang aming panig at bigyang konsiderasyon ang aming kabuhayan at ang kinabukasan ng aming mga pamilya. Pero nagbingi-bingihan sila If this is the way they treat us, then we believe it is now time for our voices to be heard on the streets and through the ballot come 2013,” ani  Saturnino Distor, pa­ngulo ng  20,000 miyembro ng  PTGA.

Nabatid kay Distor  na ang mga reelectionist senators na nagbasura ng kanilang apela ay mawawalan ng halos 4.5 milyong boto mula sa mga pangunahing tobacco-producing province ng  Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Abra, Cagayan, Isabela, at Mindoro.

Ang ilan pang mga lalawigan ay Mountain Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, Tarlac, Nueva Ecija, Capiz, Iloilo, Leyte, Cebu, Misamis Oriental, Bukidnon, Davao, Zamboanga del Sur, Maguindanao, Cotabato at  Sarangani.

Napag-alaman kay Distor  na inaprubahan ng bicameral conference committee ang tax hike sa presyo na umaabot sa 1,000  porsiyento  sa taong 2013-2017  na hindi naman kakayanin ng industriya ng tobacco.

“This is even worst than the 855 percent increase proposed in the Senate version. We learned that despite the strong opposition raised by senators sympathetic to our flight the rest of the members of the bica­meral conference panel railroaded the measure to please Malacañang and its anti-tobacco allies,” dagdag pa ni Distor.

Giit pa ni Distor,  maliwanag na sa tobacco farmers ng bansa na ang aksiyon at desisyon ng  Kongreso ay patayin ang local tobacco industry samantalang may ilan ding mambabatas ang sumangayon na  ipatupad ang pagtataas ng buwis ng unti unti.

Napagdesisyunan  ng bicameral conference panel  ang pagkakaroon ng tax sharing scheme kung saan ang 69 percent ay sa tobacco industry habang 31 percent  naman sa mga alcohol products. Nangangahulugan naman ito na sa unang taon  o 2012, ang  tobacco  ay magdadagdag ng buwis na aabot sa P23.4 bil­yon  habang P10.56 bil­yon naman  sa alcohol.

“We will now mobilize our forces in preparation for our campaign against senators who voted to leave 2.5 million wor­kers and dependents in the tobacco sector and its related industries jobless. They hit us with a 1,000 percent tax hike, we will hit them back on May 13,” he added, referring to the Election Day next year”, dagdag pa ni Distor.

 

Show comments