Fund drive ng STAR kay ‘Pablo’ abot na sa P1.1 M

MANILA, Philippines - Tuluy-tuloy ang fund drive ng The Philippine Star, kasama ang sister publications na Pilipino Star NGA­YON at Pang-Masa para tulungan ang mga grabeng sinalanta ng killer typhoon Pablo. Tumatanggap sila para sa karagdagang suporta at donasyon.

Kabilang sa mga naunang nagbigay ng tulong sa fund drive ng STAR ay ang Metrobank Foundation at ang buong STAR Publications. Kasama rin sa mga nag-donate na ang TGFHA, P50,000; K.L., P50,000; MGB, P50,000; E-Bros Group Foundation, P30,000; Pharmaworld Distribution Inc. of Lipa City,  P20,000; at Linda’s Lechon Cebu, P5,000. Meron na agad silang kabuuang P1.105 million.

Ang social arm ng STAR, Operation Damayan, ang magdadala ng tulong sa mga pinaka-matinding tinamaan ng killer bagyo.  Ang Operation Damayan ay binubuo ng mga volunteer-employees ng Star Group na tuluy-tuloy ang ginagawang mga proyekto sa buong taon para i-promote ng corporate social responsibility ng pinakamalaking newspaper group sa bansa.

Sa may magagandang kalooban, maaring i-deposit ang inyong cash donations sa The Philippine STAR Operation Damayan c/o MBTC Aduana Branch Savings Account No. 151-304-161622-9 (kindly fax deposit slip to tel. no. 301-9598 c/o Operation Damayan). Puwede ring i-charged sa RCBC Bankard or by using rewards points through www.rcbcbankard.com, iDonate or via Bankard’s customer service at 888-1888.

Para sa iba pang detalye, please call 527-7901 and look for Damayan head Emie Cruz, email contactus@philstar.com.ph or follow @philippinestar for updates via Twitter.

 

Show comments