SC ‘tapunan’ ng Comelec

MANILA, Philippines - Ginagawa umanong tapunan ng Commission on Elections (Co­melec) ng problema ng mga party list groups na may kinakaharap na dis­kwalipikas­yon ang Korte Suprema.

Ayon kay Butil party list Rep. Agapito Guanlao, base sa nangyayari sa kasalukuyang sitwas­yon, dinadala ng Come­lec ang usapin ng diskwalipikasyon ng mga partylist groups sa  Korte Suprema sa tuwing may kumukuwestiyon sa desisyon ng Comelec.

Isa ang Butil na kabilang sa diniskwalipika ng Comelec subalit naka­ kuha ng status quo ante order sa Korte Suprema.

“Actually, ang nangyayari dito, ang Comelec ay ipinapasa ang problema nila sa SC, ang basura nilang dapat linisin ay ayaw nilang desisyunan at itinapon sa SC,” ayon kay Guanlao.

Dahil dito kayat napipilitan umanong magtrabaho ang Korte Suprema sa mga inihahaing motion for reconsideration ng mga diniskuwalipika ng Comelec at humihiling ng magpalabas ng temporary restraining order (TRO) para pigilan  na ipa­tupad ang desisyon nito.

Show comments