^

Bansa

Sa Caraga at Eastern Visayas… Preemptive evacuation ipinatupad na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinatupad na kahapon ang ‘preemptive evacuation’ sa libu-libong residente na naninirahan sa CARAGA at Eastern Visayas Region bilang bahagi ng precautionary measures sa posibleng delubyong dulot ng pananalasa ng bagyong Pablo.

Sinabi ni Director Blanche Gobenciong, pinuno ng Office of Civil Defense (OCD) sa CARAGA, karamihan  sa mga inilikas sa mga ligtas na lugar ay ang mga residenteng naninirahan sa mga Islang barangay sa bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur na inaasahang tatamaan ni Pablo sa loob ng 24 oras.

Ayon kay Gobenciong, kabilang rin sa mga inilikas ay ang mga residenteng naninirahan sa mga baybaying lugar sa lalawigan ng Surigao del Sur.

Aniya, determinado sila na maipatupad ang ‘zero casualties’ sa hagupit ng bagyong Pablo na ayon sa PAGASA ay nagdadala ng malakas na pag-ulan at ma­lakas na hangin ang bagyo.

Sa panig naman ni  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) operations officer Edgardo Ollet nagsimula na rin ang preemptive evacuation sa silangang bahagi ng baybaying mga lugar sa Leyte at Samar.

ANIYA

AYON

DIRECTOR BLANCHE GOBENCIONG

EASTERN VISAYAS REGION

EDGARDO OLLET

GOBENCIONG

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

SURIGAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with