Graft vs Munti mayor sumalang sa Ombudsman
MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Office of the Ombudsman ang Preliminary Investigation (PI) sa limang kaso ng graft and corruption na kinakaharap ni Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro.
Nabatid na noong Pebrero 20, 2012 isinampa ang kaso na may kinalaman sa umano’y kuwestiyunableng proyekto ng pamahalaang lungsod na bilyon piso umano ang halaga.
Sa 90-pahinang complaint affidavit ni Abel Samabat, dating chairman ng bids and awards committee ng lungsod, nakasaad ang umano’y overpricing, hindi raw dumaan sa bidding, ilang “ghost project” at ilang malapit na kaanak at kaibigan ang nakapasok at humawak umano sa mga kontrata ng ilang proyekto ng city hall, na isa umanong paglabag sa batas.
Sabi pa ni Samabat, sa kabila na hindi rin umano ito inaprubahan ng Commission on Audit (COA) ay naipatupad umano ang proyekto.
Pinasasagot na ng Ombudsman ang kampo ni San Pedro sa reklamo laban sa kanya.
- Latest