^

Bansa

Martsa vs sin tax tumindi pa

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nagpakita ng lakas ang mga mi­yem­bro ng People’s Coalition Against Regressive Taxa­tion (PCART) sa pamamagitan ng pagmartsa mula lungsod Quezon patungo sa Mendiola bridge at Senado para magbigay ng bagong mensahe kay Pangulong Noynoy Aquino.

May 2,000 protester na kinabibilangan ng mga naninirahan sa iskwater, ambulant vendors at may-ari ng sari-sari ang nagbitbit ng higanteng streamer na humihi­ling kay P-Noy na i-veto ang Sin Tax Bill kapalit ang kanilang suporta sa lahat ng kandidato na i-endorso ng pangulo, lalo na sa mga tumatakbo bilang Senador.

Ayon kay Edwin Guarin, pinuno ng PCART, “Pina­bayaan kami ng House of Representatives, ang Senado ay naging bingi sa amin, kaya pagkakataon na ng Pangulo upang maprotektahan ang aming mga tra­baho at pinagkakakitaan. Bilang pinakamataas na opisyal ng bansa, siya ay may ekslusibong kapangyarihan upang balewalain ang nakakatakot na sin tax bill bago pa mabasag nito ang hangarin ng kanilang pamilya.”

Mariing tinututulan ng alyansa ang sin tax bill sa paniwalang sa pagpasa ng nasabing batas ay magdu­dulot ng matinding pasakit kaysa mabuti sa mga mahihirap, sa paniwalang sila ang magdurusa sa epekto ng ekonomiya na magreresulta sa malawakang pagtatanggal sa trabaho at malaking pagbaba ng kita para sa mga ambulant vendors at may-ari ng sari-sari store.

 

AYON

BILANG

COALITION AGAINST REGRESSIVE TAXA

EDWIN GUARIN

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MARIING

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SENADO

SHY

SIN TAX BILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with