MANILA, Philippines - Hindi na pahihintulutang makatakbo sa darating na 2013 midterm elections ang umaabot sa 43 partylist organizations na naghain ng aplikasyon sa Comelec.
Ito ang kinumpirma ni Comelec Chairman Sixto Brillantes kasunod ng kanilang napagkasunduan sa commission en banc na huwag payagan ang naturang mga grupo dahil sa iba’t ibang rason.
Giit ni Brillantes, bagama’t minamasama ng iba ang kanilang ginagawa, bahagi naman ito ng paraan upang malinis ang hanay ng gobyerno at maiwasan na rin ang duplication of task sa Kongreso.
Kabilang sa existing partylist na tinanggal ng Comelec ay ang Binhi at Butil.
Ang mga bagong aplikante na hindi pinagbigyan ng en banc ay ang 1-Abante na Pinoy, 1-Ang Batas, 1-A Health, 1-Aid Dalaw Inc, 1-Aimcoop, 1-Ajing Minimumwager, 1-Apto 1-Koop Mindanao, 1Pagasa, 1Teach, 4m, 4ps, Aaa, Aad, Abi, Abp, Aces, Acts OFW, Ahente, Ako Bisaya, Akopa, Anfbi, Apela, Arba Inc, Asabala, Asd, Attom, Bantay OCW, Bravo, BrpSSS, Happi, Mar, Melchora, Noypi, Pak,PM Coalition, Ppp, Sandama, Spa at Waccaa.