7 partylist pa inalis

MANILA, Philippines - Nadagdagan pa ng pito ang mga partylist groups na diniskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec) na hindi puwedeng lumahok sa 2013 midterm elections.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, kabilang sa mga ito ang Fitness Pinoy, Pinoy Aasenso Ka, Ahente, Asabala, Bantay OCW, Sandama at 1 Abante Na Pinoy. Bigo umanong matugunan ng mga nabanggit na partylist ang nakasaad sa Saligang Batas na kumakatawan sa marginalized sector.

Sa Huwebes ay maglalabas na rin ang komisyon ng listahan ng mga partlylist na kuwalipikadong lumahok sa halalan sa susunod na taon.

Show comments