MANILA, Philippines - Sa gitna ng nalalapit na pagsalang ng sin tax bill sa bicameral conference meetings sa susunod na linggo, umapela ang mga magsasaka ng tobacco sa Senado at sa Kamara na bumuo ng isang tax law na kung saan magiging “gradual at moderate” ang pagtaas ng buwis.
Ayon sa PhilTobacco Growers Association (PTGA), dapat ding mas paboran ng mga mambabatas ang mga local manufacturers sa halip na mga premium imported brands.
Sinabi ni PTGA president Saturnino Distor, ba gaman at nagkaroon ng ‘significant improvement’ sa panukalang ipinasa ng Senado, malalagay pa rin sa alanganin ang kapakanan ng mga magsasaka ng tobacco at mga small cigarette manufacturers kung saan ang target ay ang mga low-income consumers.
Sabi ni Distor kahit pa nabawasan ang itataas na buwis sa bersiyon ng Senado, hindi pa rin masasabing nakatulong ito sa mga magsasaka ng tabako.
Inihayag pa ni Distor na dapat namang paboran ng mga mambabatas ang lokal na sigarilyo kaysa sa mga banyagang kumpanya.