^

Bansa

Ceasefire sa Israel idineklara!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pansamantalang na­pawi ang takot ng may 41,000 Pinoy na naiipit sa matinding pambobomba sa Gaza Strip matapos magdeklara ng tigil-putukan ang Israel at kalabang Hamas.

Inianunsyo ni Egyptian Foreign Minister Mo­­hamed Kamel Amr kasama si US Secretary of State Hillary Clinton ang magandang bunga ng peace negotiation ng magkabilang panig at winakasan ang walong araw na rocket attacks ng Palestinian at airstrikes ng Israel.

Nabatid na ang Egypt ang nagsilbing “mediator” ng magkalabang Israel at Hamas at nagbunga ng magandang resulta kasunod ng panawagan ni UN Secretary General Ban Ki-Moon at ng international community kasama na ang Pilipinas na itigil na ang giyera ng Israel at Hamas.

Base sa ceasefire deal, pumayag ang Israel na ititigil na nito ang lahat ng pag-atake, paglusob at pagpatay sa mga matataas na opisyal ng Hamas kung saan nadadamay ang mga sibilyan habang nangako ang Hamas na ihihinto na ang lahat ng kanilang rocket attacks laban sa Israel.

Welcome naman ang nasabing ceasefire deal kay US Pres. Barack Obama at United Nations.

May 160 katao na ka­ ramihan ay sibilyan at bata ang nasawi sa mahigit isang linggong airstrike ng Israel at missile attacks ng Hamas militants.

 

BARACK OBAMA

EGYPTIAN FOREIGN MINISTER MO

GAZA STRIP

HAMAS

INIANUNSYO

ISRAEL

KAMEL AMR

SECRETARY GENERAL BAN KI-MOON

SECRETARY OF STATE HILLARY CLINTON

UNITED NATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with