MANILA, Philippines - Ibinasura ng Commission on Elections ang petisyon ng Black and White Movement na payagan silang makalahok sa partylist race sa 2013.
Sinabi ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento, 5 kumisyuner ang bumoto pabor sa pagbasura sa akreditasyon ng Black and White Movement habang dalawa naman, sina Commissioners Robert Lim at Grace Padaca, ang hindi na sumali sa deliberasyon.
Ginamit na batayan sa desisyon ng Comelec en banc ang kawalan ng track record ng Black and White sa mga marginalized group na kanilang kinakatawan, habang ang mga nominee naman ay hindi umano kabilang sa marginalized sector.
Kabilang sa mga nominado ng BWM si Leah Navarro na miyembro ng MTRCB.