MANILA, Philippines - Bilang bahagi ng proyekto sa kanyang kaarawan ay pinangunahan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang pagdidikit ng Import Commodity Certification (ICC) sticker sa mga ginagamit na helmet ng mga motorcycle riders.
Ayon kay Echiverri, sa pamamagitan nito ay hindi na mahihirapan ang mga residente ng lungsod na magtungo sa mga lugar na itinalaga ng Department of Trade and Industry (DTI) para lamang malagyan ng ICC sticker ang kanilang mga helmet.
Aabot sa tatlong libong motorcycle riders ang nalagyan ng ICC stickers ang mga helmet.
Hindi rin nahirapan ang mga riders na kumuha ng ICC stickers dahil kinailangan lamang dalhin ng mga ito ang kanilang helmet na maayos, walang sira at isang government identification card tulad ng driver’s license, Comelec ID, SSS card at iba pa.