MANILA, Philippines - Inihayag na ng Manila Broadcasting Company ang mga maglalaban-laban sa semifinals ng MBC National Choral Competition na gaganapin sa Aliw Theater, Star City complex, Pasay City sa Disyembre 3-6, 2012.
Magkakasagupa sa children’s division ang Himig Bulilit of St. Paul Parañaque, Pasig Catholic College, Malate Catholic School, Juan Luna Elementary School, Batasan Commonwealth Singing Voices, Himig Silangan, Himig ni Juan, Himig Pag-asa, Laoag City Children’s Choir, Fatirium Children’s Choir mula Cebu, Angelicus Children’s Choir, CES Himig ng Kabataan, The Voice ng GenSan, Banga Elementary School ng Koronadal, South Cotabato, Himig Hilaga ng Lagao Central Elementary School, at ang Angelicum Choir ng San Fabian, Pangasinan.
Kabilang naman sa pumasok sa semifinalists (open category) ay 27 chorale group mula sa iba’t ibang unibersidad sa Metro Manila at mga lalawigan kabilang ang St. Mary’s University Choral Society – Bayombong, Tarlac State University Chamber Choir, at ang Voices and Graces Cultural Federation ng Nueva Vizcaya State University,
Society, at ang Philippine College of Criminology-Manila Law College Chorale. Nasa ika-6 taon na ng MBC competition sa pakikipagtulungan ng Manila Broadcasting Company at Star City sa Globe Telecom, Flanax, Coca-Cola, Alaska, Barako Bull, M Lhuillier, at Max’s Restaurant.
Para sa dagdag na kaalaman, tumawag sa #555-3477 at 832-6125, o mag-email sa siouxtar@gmail.com