Medical mission ng Abundant Life Church

MANILA, Philippines - Sa ika-5 Community Care Program ng Abundant Life Church ay kasabay na ilulunsad ang medical at dental mission sa Barangay Hall sa Barangay Tabun sa bayan ng Mabalacat, Pampanga bukas ng umaga (Nob. 13). Katuwang ng Abundant Life Church ang natatanging miyembro ng Calvary Nexus sa California, USA. Magsisimula ang medical mission sa ganap na alas-8 ng umaga hanggang 12 ng tanghali kung saan libre ang medical check-up, dental services, libreng gamot at counseling.

Kasunod nito, ilulunsad rin ang medical mission sa Barangay Sapang II sa bayan ng Ternate, Cavite sa Miyerkules ng umaga (Nob. 14) habang sa Nob 16 naman ay sa Balagtas Blvd. sa San Pablo City, Laguna at Nob 17 sa Addas 4, covered court sa Barangay Mambog 4, Bacoor City, Cavite.

Show comments