Kabuhayan project pinangunahan nina SB, Joy B

MANILA, Philippines - Pinangunahan nina House Speaker Sonny Bel­monte at QC Vice Ma­yor Joy Belmonte ang pagbubukas ng Kabuhayan 2012 project ng Congressional Spouses Foundation Inc. (CSFI) sa SM megamall, Ortigas kahapon.

Kinilala ni Speaker Belmonte  ang CSFI dahil sa malaking tulong ng foundation upang maipakita at maipamalas sa Metro Manila ang mga nagawang produkto at maipaalam sa publiko na hindi natutulog ang mga probinsiya sa mga ambisyon na mapahusay ang kalidad ng ka­nilang pamumuhay.

Kinilala din ni Spea­ker Belmonte ang mga exhibitors mula sa iba’t ibang lalawigan dahil sa ginawang pakikiisa para matiyak ang tagumpay ng proyektong ito ng CSFI ngayong taon.

Sinabi naman ni Vice Mayor Belmonte na siyang Pangulo ng CSFI na ang proyekto ay may malaking pakinabang sa mga micro enterprises upang sumigla ang ka­ nilang negosyo para sa kapakanan ng kani-ka­nilang mga pamilya.

Ang proyekto ay nag­simula kahapon at magtatapos sa November 11 na kinapapalooban ng mga exhibitors mula sa Ilocos, Quezon province, QC, Benguet, Cordillera, Mandaluyong, Nueva Vizcaya at Bicol.

Show comments