PNoy dadalo sa ASEM
MANILA, Philippines - Isang mainit na pagsalubong ang igagawad ng mga Filipino community kay Pangulong Aquino sa kanyang pagdating at opisyal na pagbisita sa Laos ngayong araw.
Isang hapunan sa Mekong Restaurant sa Vientiane ang inihanda ng Embahada at Pinoy community members at kanilang mga anak para sa Pangulo bilang unang aktibidad na dinaluhan nito sa kanyang opisyal na pagbisita.
Ayon sa DFA, ang Pangulo ay nasa Laos para dumalo sa 9th Asia-Europe Meeting (ASEM) ngayong Nobyembre 5 at 6.
Nabatid na may 550 Pinoy ang nasa Laos na karamihan ay nakabase sa Vientiane at mga propesyunal at skilled workers sa larangan ng education, mining, engineering, agriculture at sa service sectors.
Nabatid na naglaan ng P8.9 milyon ang gobyerno para sa biyahe ni Pangulong Aquino at delegasyon nito.
- Latest