Bus hulog-bangin: 15 sugatan

MANILA, Philippines - Umaabot sa labinlima- katao ang nasugatan makaraang sumalpok sa puno at mahulog ang pampasaherong bus sa may 1.5 metrong lalim na bangin sa Barangay Comadaycaday sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur noong Biyernes ng hapon. Kabilang sa mga biktimang sugatan ay sina Richman Sarmiento, Erlinda Sarmiento, Jesus Lasado, Andres Perico, Archie Fabor, Annalyne delos Santos, Maritess Bien, Emerson Pielago, Lorena Saavedra, Mark John Antonino, Elmer Morga, Marie Angeline Ursulun, Ruffa delos Santos, Rosalie Lopez, at si Jelly Lina. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, patungo sa Maynila ang pampasaherong bus nang maaksidente sa bahagi ng Quirino Highway.Nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng bus na si Jose Fernando Don kaya sumalpok sa puno na sa kamalasan pa ay nahulog sa mababaw na bangin. Sinasabing ang mga pasahero ng bus na nasugod sa Tagkawayan District Hospital ay papauwi na sana sa Metro Manila matapos gunitain ang All Saints’ Day ng mangyari ang sakuna.

 

Show comments