Year of Faith, inilunsad

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Manila Archbishop Cardinal-de­signated Luis Antonio Tagle ang paglulunsad ng Archdiocese of Manila ng Year of Faith sa San Fernando de Dilao Parish Church sa Paco, Maynila.

Nabatid na ang Year of Faith ay imbitasyon sa mga Katoliko para muling pag-aralan ang turo ng Simbahang Katolika kabilang ang Katesismo.

Ang obserbasyon ng   Simbahang  Katolika  sa Year of Faith mula Oktubre 11 hanggang Nobyembre 24 ng susunod na taon.

Kabilang naman sa programa sa paglulunsad nito ang tradisyunal na sayaw na kung tawagin ay Buling-buling na alay sa Patron ng Sto. Niño.

Si Cardinal Tagle ay kadarating lang kamakalawa mula sa Vatican kung saan siya dumalo sa Synod of Bishops. Muli siyang babalik sa Roma para sa pormal na pagtatalaga sa kanya bilang cardinal sa Nobyembre 24.

 

Show comments