Calcium supplement ni-recall sa merkado
MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng Pascual Consumer Healthcare Corp. na bawiin sa merkado ang kanilang calcium supplement na may brand name na Calchews, chocolate flavor, bunsod ng microbial presence.
Sa anunsyo ng kompanya na sangay ng Pascual Laboratories, Inc. hindi nila ikokompromiso ang integridad ng kanilang produkto.
“In keeping with Pascual Consumer Healthcare’s commitment to serve with integrity and to gua-rantee the quality of our pro-ducts, we are implementing, as a precautionary measure, the voluntary product recall of Calchews chocolate variant bearing the lot numbers 382BWA and 382BWB, due to findings of microbial pre-sence,” pagdidiin ni Ricky Rivera, president ng Pascual Consumer Healthcare Corp.
Sinabi pa ni Rivera na pormal na nilang inabisuhan ang Philippine Food and Drugs Administration nitong Oktubre 29 para sa pagbawi ng mga apektadong produkto, at gumawa pa rin ng hakbang para sa seguridad ng kanilang mga kustomer at publiko.
Sa record ng kompanya, 164 kahon ng lote ay naipamahagi sa 17 trade accounts o dealers.
Ang Calchews ay ginagawa sa Estados Unidos at inaangkat, binabalot at nilalagyan ng label dito sa Pilipinas ng Pascual Laboratories.
Dagdag pa ni Rivera, pinapatigil na rin ang labeling at pagpapalabas ng lahat ng stocks ng Calchews (chocolate flavor) sa kanilang planta sa Balagtas, Bulacan.
Para sa dagdag na katanungan, pwedeng tumawag kay Mr. James Yaranon, spokesman ng Pascual La-boratories, sa 0917-7271304.
- Latest