^

Bansa

27 na patay kay Ofel

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumalo na sa 27 katao ang bilang ng nasawi bago ang paglisan ng bagyong Ofel sa bansa.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Re­duc­tion Management Coun­cil (NDRRMC), pinakamaraming bilang ng namatay ay mula sa Region 4-B na umaabot sa 9, walo sa Region 4-A, lima sa Region 12, tig-dalawa sa Regions 5 at 7 at isa sa Region 8. Siyam pa ang hi­na­­hanap habang nanatili sa 19 ang naitalang nasu­gatan.

Umabot sa 14,667 pamilya o katumbas ng 70,616 indibidwal ang naapektuhan, habang 21,530 pamilya o katumbas na 11,430 katao ang nanatili sa 63 eva­cuation centers Nakapagtala naman ng higit P55 mil­yong halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura sa Regions 4-B at 5 dahil sa pagbaha.

Inilagay naman sa state of calamity dahil sa pagbaha ang Lobo, Batangas; Oriental Mindoro; Buug, Zamboanga Sibugay at Imelda, Zamboanga Sibugay.

Samantala, 10 kalsada at tulay sa Luzon ang hindi pa rin madaanan ng sasakyan, kabilang ang Central at Southern Luzon, gayundin ang Bicol Regions.

AYON

BATANGAS

BICOL REGIONS

BUUG

MANAGEMENT COUN

NATIONAL DISASTER RISK RE

ORIENTAL MINDORO

SHY

SOUTHERN LUZON

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with