^

Bansa

Big time rollback ipinatikim

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malaking pagtatapyas sa produktong petrolyo ang ipatutupad ngayong Lunes ng mga kumpanya ng langis dahil sa mala­king pagbaba ng contract price nito sa internasyunal na merkado.

Sa anunsyo ng Petron Corp. nasa P2.15 kada litro ang ibabawas nito sa kanilang premium at unleaded gasoline habang P1.70 sa regular gasoline umpisa alas-12:01 ng ha­tinggabi. Ba­ba­wasan rin nito ng P1.35 ang kada litro ng diesel at kerosene.

Parehong mga presyo rin ang ibabawas ng Se­a­oil at Phoenix Petroleum dakong alas-6 ng umaga. 

Hatinggabi naman magro-rollback ang Eastern Petroleum na magbababa ng P2 kada litro sa premium at unleaded gasoline, P1.35 sa diesel at P1.75 sa regular gasoline.

Para sa Unioil, P2.30 ang ibabawas sa kada litro ng gasolina at P1.30 sa diesel.

Dahil sa rollback, ini­atras na ng transport groups ang petisyon nila sa Land Transportation Franchising and Regu­latory Board (LTFRB) para sa dagdag-singil sa pa­ sahe.

 

DAHIL

EASTERN PETROLEUM

HATINGGABI

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGU

MALAKING

PAREHONG

PETRON CORP

PHOENIX PETROLEUM

SHY

UNIOIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with