^

PSN Opinyon

Mga programang pinondohan ng 2026 national budget ibinida sa SONA

WIN SA EDUKASYON - Sen. Win Gatchalian - Pilipino Star Ngayon

Sa pagbabalik-sesyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso nitong nakaraang Lunes, binigyang diin ng inyong lingkod na patuloy nating bibigyang prayoridad ang edukasyon, lalo na’t inilaan natin ngayong taon ang isang ma­ka­saysayang halaga para sa buong sektor.

Matatandaang ang P1.35 trilyong pondo na inilaan para sa sektor ang pinakamataas sa kasaysayan. Katumbas ito ng 4.4% ng Gross Domestic Product (GDP), at sa kauna-unahang pagkakataon nasunod natin ang pamantayan ng United Nations na maglaan ng apat hanggang anim na porsyento ng GDP para sa sektor ng edukasyon.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), ibi­­nida ng Pangulo ang ilan sa mga programang saklaw ng pondo para sa edukasyon. Isa na rito ang pagpapalawak sa School-Based Feeding Program (SBFP).

Ngayong taon, P25.7 bilyon ang inilaan natin para sa pagpapatupad ng pinalawak na SBFP. Saklaw ng programa ang lahat ng mga mag-aaral sa Kindergarten at Grade 1 habang patuloy naman ang suporta sa mga mag-aaral ng Grade 2 hanggang Grade 6 na humaharap sa kakulangan sa nutrisyon.

At kung dating 120 na araw lamang ang feeding days, umabot na ito sa 200 ngayong taon. Humigit-kumulang 4.5 milyong mga mag-aaral ang inaasahang makikinabang dito.

Binanggit din ng Pangulo ang pag-hire ng 10,000 School Counselor Associates I na pinaglaanan natin ng P2 bilyong pondo sa ilalim ng 2026 national budget. Nilikha ang posis­yon na School Counselor Associate sa ilalim ng Basic Edu­cation Mental Health and Well-Being Promotion Act (Republic Act No. 12080) upang makatulong sila sa pagpapatupad ng School-Based Mental Health Program.

Napapanahong matiyak natin ang epektibong pagpa­patakbo ng programang ito, lalo na’t nananatili ang mga hamong may kinalaman sa mental health, bullying, at kara­hasan sa ating mga paaralan.

Hindi natin sasayangin ang isang natatanging oportu­nidad upang masugpo ang krisis sa edukasyon at ma­bigyan ang ating mga mag-aaral ng mas magandang kinabukasan.

EDUCATION

SONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with