^

Bansa

Kamatis higit P300/kilo na sa Metro Manila

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Kamatis higit P300/kilo na sa Metro Manila
A customer buys tomatoes priced at P280 per kilo at Marikina Public Market on January 7, 2025.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Sumipa nang hanggang higit P300 ang kada kilo ng kamatis sa mga palengke sa Metro Manila habang umabot nang hanggang P280 kada kilo sa Calabarzon na pangunahing pinagkukunan ng naturang gulay.

Sa Metro Manila, nitong weekend ay nagkaroon ng pagsipa ang halaga ng kada kilo ng kamatis dahil sa kakulangan ng suplay na naipapasok sa mga palengke sa NCR.

Sa Calabarzon, tumaas ang presyo dahil sa umano’y nawasak ng nagdaang mga bagyo ang pataniman ng kamatis kayat kakaunti lamang ang na-harvest laluna noong holiday.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) price monitoring, ang kamatis ay ibinebenta mula P200 hanggang P350 kada kilo sa Metro Manila.

Tinaya ng DA na bababa na ang halaga ng kamatis sa nabanggit na mga lugar sa Pebrero sa pagsisimula ng produksyon ng dry season.

Noong January 2024, pumapalo lang sa P50-P100 ang kada kilo ng kamatis.

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->