^

Bansa

Inflation nitong Oktubre bahagyang bumilis — PSA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Inflation nitong Oktubre bahagyang bumilis — PSA
File photo at a Philippine market.
STAR / File

MANILA, Philippines — Bahagya pang bumilis ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Oktubre ngayong taon.

Sa ulat ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, naitala sa antas na 2.3 percent ang headline inflation sa bansa nitong Oktubre na mas mataas kumpara sa 1.9 percent inflation rate noong Set­yembre.

Pasok ito sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2 percent hanggang 2.8 percent.

Ang average inflation mula Enero hanggang Oktubre ay nasa 3.3 percent.

Ayon sa PSA, ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng antas ng inflation ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng food at non-alcoholic beverages.

Nakaambag din sa inflation ang pagtaas ng renta sa bahay; LPG; at bayad sa suplay ng tubig gayundin ang restaurants and accommodation services na may 3.9 percent inflation

Sa NCR naman, buma­gal sa 1.4% ang inflation mula sa 1.7# noong Setyembre dahil sa pagbagsak ng presyo ng kuryente at LPG.

vuukle comment

INFLATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with