COA chief: ‘Overpriced’ carpark sa Makati hindi aprubado
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Commission on Audit (COA) Chairperson Grace Pullido Tan na aprubado ng ahensya ang umano’y overpriced Makati City Hall parking building.
"Wala po kaming clearance na ibinigay at hindi po talaga kami nagbibigay ng clearance... There is no such thing," sabi ni Tan kay Senador Aquilino Pimentel III na siyang namumuno sa Blue Ribbon sub-committee na nag-iimbestiga sa kontrobersyal na gusali.
"The commission does not issue clearances of the nature or the tenor that was described," dagdag ni Tan.
Sa hearing sa Senado kanina, ipinakitia ni Makati Mayor Jejomar "Junjun" Binay ang isang ulat mula sa COA na nagsasaad na walang iregularidad sa pagtatayo ng gusali.
Ngunit bwelta ni Tan na ang nasabing dokumento ay isa lamang memorandum mula sa Makati COA auditor.
"So it is an internal communication and I don't know how the city of Makati got a copy of it," ani ni Tan.
Dagdag pa ni Tan na ang nasabing dokumento ay bine-berika pa ng COA central office.
"At this stage, this is just a report and it is being subjected to evaluation along with all the other pertinent papers and documents," sabi ni Tan. "There is still a lot to be done."
Si Binay, ang kanyang ama na si Bise Presidente Jejomar Binay, at iba pang opisyal ay nahaharap sa kasong pandarambog na isinampa ni Atty. Renato Bondal. Ayon kay Bondal, ang parking building II sa Makati City Hall ay overpriced nang 300 porsyento.
- Latest
- Trending