MANILA, Philippines – Siyam na biktima ng ligaw na bala ang naitala na ng Philippine National Police limang araw bago ang Bagong Taon.
Sa huling bilang ng PNP mula noong Disyembre 16 hanggang 27, umabot na sa 43 ang sugatan sa paputok at walang habas na pagpapatok ng baril.
Pinaiigting ng PNP ang kanilang kampanya laban sa mga paputok na tinawag na Iwas Paputok.
Bukod sa mga nasaktan, 15 katao na ang kanilang nadakip dahil sa pagkakaroon o pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok.
Umabot na rin sa 1,300 na ipinagbabawal na paputok ang kanilang nakumpiska, ilan dito ay Lolo Thunder, Watusi, Picollo, Mother Rockets, Pillbox, Boga, Big Judas Belt, Big Bawang, Kwiton at Kabasi.
Nagkakahalaga ng higit P700,000 ang mga nakumpiskang paputok, dagdag ng PNP.