^

Balita Ngayon

Walang bagyo hanggang New Year - PAGASA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang inaasahang papasok na bagyo sa Pilipinas hanggang sa pagsalubong ng Bagong Taon ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.

Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na wala silang namataang bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang sa Disyembre 31.

Naunang sinabi ng PAGASA na tinatayang dalawang bagyo ang papasok sa PAR ngayong Disyembre.

Makakaasa ang Pilipinas na magiging maganda ang panahon ngunit may pulo-pulong pag-ulan sa bang bahagi ng bansa.

Sinabi ng PAGASA sa kanilang advisory na magdadala ng pag-ulan ang tail-end ng coldfront sa Bicol Region, habang maaapektuhan din ng hanging Amihan ang Hilagang Luzon.

Makararanas ng  maulap na papawirin na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Bicol Region, Mimaropa at Western Visayas, habang mahinang pag-ulan lamang sa Cagayan Valley, Ilocos at Cordillera.

Magiging bahagyang maulap ang kalangitan ng Metro Manila na may pulo-pulong pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat.

BAGONG TAON

BICOL REGION

CAGAYAN VALLEY

DISYEMBRE

HILAGANG LUZON

METRO MANILA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

PILIPINAS

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with