^

Balita Ngayon

Abu Sayaff member tiklo sa Sulu

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Timbog ang isang miyembro at tauhan ni Abu Sayaff Group leader Radullan Sahiron sa Sulu, ayon sa mga pulis.

Sinabi ng Philippine National Police (PNP) ngayong Huwebes na nadakip si Haik Asgal kahapon sa araw ng kapaskuhan.

Sa bisa ng warrant of arrest ay hinuli ng Presidential Anti Organized Crime Commission si Agsal sa Marites Street, Barangay San Raymundo, Jolo, bandang ala-5 ng hapon.

Si Agsali ang isa sa mga nasa likod ng pagdukot sa dalawang European birdwatchers sa Tawi-Tawi noong 2012, ayon kay PNP public information office head Senior Superintendent Reuben Theodore Sindac.

Dagdag ni Sindac na isa si Agsali sa mga pinagkakatiwalaan ni Sahiron sa Patikul, Sulu.

Dadalhin sa Zamboanga City si Agsali kung saan siya ikukulong habang gumugulong ang kanyang kaso.

ABU SAYAFF GROUP

AGSALI

BARANGAY SAN RAYMUNDO

HAIK ASGAL

MARITES STREET

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENTIAL ANTI ORGANIZED CRIME COMMISSION

RADULLAN SAHIRON

SENIOR SUPERINTENDENT REUBEN THEODORE SINDAC

SI AGSALI

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with