^

Balita Ngayon

SC naglabas ng TRO kontra dagdag singil sa kuryente

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema ngayong Lunes kontra sa pagpapatupad ng Manila Electric Company (Meralco) ng P4.15 per kilowatt hour karagdagang singil.

Sinabi ng tagapagsalita ng mataas na hukuman si Theodore Te na tatagal ng 60 araw ang TRO.

Dagdag ni Te na nakatakda ang oral arguments sa Enero 21 upang pag-usapan ang nakaambang pagtataas ng singil.

Nilinaw din ng tagapagsalita na hindi sakop ng TRO ang singil sa kuryente ngayong Disyembre.

Inilabas ng Korte Suprema ang TRO kasunod nang dalawang petisyong inihain na kinukuwestiyon ang pagpayag ng Energy Regulatory Commission sa dagdag singil.

Inihain ng ilang miyembro ng militanteng grupo sa Kamara ang isang petisyon, habang ang grupong National Association of Electricity Consumers ang naghain ng ikalawa.

Nitong umaga lamang ay naghain din ng petisyon ang grupong Anakpawis upang hilingin na maglabas ng writ of mandamus ang Korte kontra sa nakaambang dagdag singil.

SInabi ni Meralco president Oscar Reyes na kinakailangan nilang magtaas ng singil matapos magsara ang Malampaya offshore gas field project.

Umugong ang balitang mayroong sabwatan sa pagitan ng mga electric companies at power suppliers upang makapagtaas ng singil.

ANAKPAWIS

DAGDAG

ENERGY REGULATORY COMMISSION

KORTE SUPREMA

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

NATIONAL ASSOCIATION OF ELECTRICITY CONSUMERS

OSCAR REYES

SINGIL

THEODORE TE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with