^

Balita Ngayon

Atty. Fortun itinuring na milagro ang pagkaligtas ng misis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Milagro kung maituturing ng abogadong si Raymond Fortun ang pagkaligtas ng kanyang asawa sa pananambang Huwebes ng gabi sa harap ng kanilang bahay sa Las Piñas.

Sinabi ni Fortun sa kanyang panayam sa DZMM ngayong Biyernes na masuwerteng hindi napuruhan ang kanyang misis na si Carol nang barilin ng armadong kalalakihan bandang alas-8 ng gabi.

Tumama ang bala sa leeg at tumagos sa pisngi ng may bahay ng abogado at himalang walang tinamaang buto o malalaking ugat.

Inabutang nakahandusay at duguan ni Fortun ang kanyang misis at kaagad dinala sa Perpetual Help Hospital si Carol kung saan narito ito ngayon at nagpapagaling.

Inaasahang makalalabas ngayong weekend si Carol na nanggaling sa misa nang subukang itumba ng mga lalaking nakasakay sa motorsiklo.

Samantala, naniniwala si Fortun na hindi talaga ang misis niya ang target ng masasamang loob.

"Naniniwala ako na hindi ang misis ang target dito. 'Yung misis ko ay napakabait na tao," pahayag ni Fortun sa radyo.

Paniwala rin ng abogado na may kinalaman ang kanyang trabaho sa pag-atake ng mga armadong lalaki.

Dahil sa insidente ay hinigpitan na ni Fortun ang seguridad sa kanilang bahay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pananambang at kung ano ang motibo.

vuukle comment

BIYERNES

DAHIL

FORTUN

HUWEBES

INAASAHANG

INABUTANG

LAS PI

PERPETUAL HELP HOSPITAL

RAYMOND FORTUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with