MANILA, Philippines – Isang biktimang nasawi na lamang mula sa tumilapong bus sa Skyway ang hindi pa nakikilala ng mga awtoridad hanggang ngayong Huwebes ng hapon.
Sinabi ni Lenie Domingo, sekretarya sa Veronica Funeral Homes, isang bangkay ng babae na lamang ang hindi pa nakikilala at wala pang kumukuha.
Tanging “Victim No.6†lamang ang pangalan ng naturang bangkay.
Inilarawan si Victim No.6 na may katamtamang tangkad at laki, hanggang balikat ang buhok, may suot na maong na pantalon, pink na bra at blouse.
Una nang nakilala ang mga biktimang sina Arnold Jimenos, Roberto Bautista, Alvin Balurin, Ricardo Gonzales Jr., Reycel Constantino, William Toledo at Mar Edriane at nakuha sa Veronica Funeral Homes.
Walong bangkay naman ang dinala sa Funeraria Amigo sa Bicutan, Taguig City at nakuha na rin ng kanilang mga kamag-anak.
Nakilala ang mga bangkay sa Funeraria Amigo na sina Mary Ann Superio, Joey Esponilla, Jean Angelique Cadiz, Rodel Tolentino, Roger Orquejo, Richard Gaveria, Archie Dino at Ramon Labang.
Naiuwi na rin naman ng kanilang mga pamilya ang biktimang sina Emmanuel Layon at Rolly Bores.
Nitong kamakalawa ay naghain ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple serious physical injuries at damage to property ang Highway Patrol Group laban sa driver na si Carmelo Calatcat, na ngayo’y nagpapagaling sa isang ospital sa Paranaque, at operator ng Don Mariano Transit.
Kaugnay na balita: Driver at operator ng Don Mariano Trans kinasuhan na
Lunes ng madaling araw ng tumilapon ang humaharurot na bus mula sa southbound lane ng Skyway kung saan isang closed van ang nabagsakan.
Kaugnay na balita: 18 patay, 16 sugatan sa pagtilapon ng bus sa Skyway
Labing-walong katao ang nasawi, habang 16 ang nasaktan sa insidente
Sinabi ni Land Transportation and Franchising Regulatory Board chairman Winston Ginez nitong Martes na hindi ito ang unang beses na nasangkot sa insidente ang naturang kompanya kaya naman kaagad nilang sinuspinde ang 78 bus habang gumugulong ang imbestigasyon.
Kaugnay na balita: Nahulog na bus sa Skyway, ilang beses nang nasangkot sa aksidente
"LTFRB policy is immediately to suspend the franchise of the bus company but because of the Don Mariano's past accidents. The LTFRB and Don Mariano management agreed to cancel all operations," pahayag ni Ginez sa isang panayam sa radyo..