GMA makakasama ang pamilya sa Pasko at Bagong Taon

MANILA, Philippines - Pinayagan ng Sandiganbayan ngayong Huwebes ang pamilya ni dating Pangulo at ngayo'y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makasama siya sa kulungan ngayong Pasko at Bagong Taon.

Sinabi ng abogadong si Raul Lambino, kaagad pumayag ang korte na makasama ng dating pangulo ang kanyang mga kamag-anak sa Veteran's Memorial Medical Center sa Quezon City kung saan siya naka hospital arrest.

Hanggang 9:30 ng gabi lamang ang oras ng bisita kay Arroyo ngunit hinayaan ng korte na palawigin ito.

Nauna nang naghain ng mosyon ang mga mambabatas sa Kamara upang makauwi si Arroyo sa kanyang bahay sa Pampanga ngayong Pasko at Bagong Taon.

Nakakulong si Arroyo sa VMMC para sa kasong electoral sabotage na dinirinig sa Pasay City Regional Trial Court. 

Show comments