^

Balita Ngayon

John Lloyd sa relasyon nila ni Angelica: I must be a very lucky man

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inamin ng batikang aktor John Lloyd Cruz na napakasuwerte niyang lalaki at girlfriend niya ang katrabahon si Angelica Panganiban.

Sinabi ng ABS-CBN talent na nagpapasalamat siyang pumayag si Angelica na makasama siya sa kanyang buhay.

“Napakaswerte ko dahil pumayag siya na maging ganito ako kalapit sa kanya, and pumayag siya to take on this journey, na maging part ako ng buhay niya, na maging kasama niya ako sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos para sa kanya, at pinipili niya na andun ako,” kuwento ni John Lloyd.

“I must be a very lucky man,” dagdag niya.

Nagkuwento pa si JLC tungkol sa kanilang malalim na samahan ng kapwa Kapamily star.

“It’s a very promising relationship. Marami siyang pinanghahawakan. Palalim siya nang palalim. Ang ganda niya. It’s a beautiful relationship,” banggit ng 30-anyos na artista.

Aniya tumitibay ang kanilang relasyon sa kabila ng mga isyu dahil sa kanilang pagiging open sa isa’t isa.

“Openness, that’s one. And we really get along. Ang daming mga bagay na pareho naming gusto. Magkaibigan kasi kami, e,” sabi ni John Lloyd.

“Sa isa’t isa, parang sobrang steady lang. Happy lang kami.”

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

ANIYA

DIYOS

INAMIN

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

KAPAMILY

MAGKAIBIGAN

MARAMI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with