^

Balita Ngayon

Melai at Jason kasal na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ikinasal na ang real life love team na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco kahapon sa General Santos City.

Nagsumpaan sa harap ng Diyos sina Melai at Jason sa Holy Cross Parish sa General Santos kung saan lumaki ang 4-month pregnant Kapamilya talent.

Bigatin ang mga naging bisita ng “MelAson” kabilang dito sina Filipino boxing icon at Saranggani Congressman Manny Pacquiao na tumayo rin bilang isa sa mga principal sponsors.

Kabilang din ang mga nagniningningan na artista na sina Kris Aquino, Boy Abunda, ABS-CBN executive Deo Endrinal, Star Magic’s Mariole Alberto, at iba pagn celebrities na sina Ben Chan, Vicki Belo, at Joel Cruz.

Nakilala sina Melai at Jason matapos manalo sa reality show na “Pinoy Big Brother” ng ABS-CBN.

Nauna nang sinabi ni Melai na masaya siya sa kanyang hindi inaasahang pagbubuntis.

“Sobrang pagka-happy nung nalaman ko talaga. Hindi talaga ako kinabahan kasi gusto namin talaga ni Jason. Sinasabi lang namin na (hindi). Pero nung nagbalikan kasi kami, parang gusto na namin i-level up yung aming relationship,” paliwanag ni Melai sa taped interview ng “The Buzz" noong Setyembre.

Kaugnay na balita: Melai masaya sa pagbubuntis, ikakasal na rin soon

“Positive na positive. Two lines,” sabi pa ni Melai nang tanungin kung buntis nga ba siya.

Ang TV host at showbiz reporter na si Ogie Diaz ang unang nagputok nang balitang buntis si Melai kay Jason.

Inanunsyo ito ni Ogie sa kanyang Twitter account.

BEN CHAN

BOY ABUNDA

DEO ENDRINAL

GENERAL SANTOS

GENERAL SANTOS CITY

HOLY CROSS PARISH

JASON FRANCISCO

JOEL CRUZ

KRIS AQUINO

MELAI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with