^

Balita Ngayon

May code of ethics dapat sa Senado - Cayetano

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang bangayan sa Senado nina Senador Miriam Defensor Santiago at Juan Ponce Enrile, nais ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano na magkaroon ng code of ethics upang maiwasang maulit ito.

Sinabi ni Cayetano hindi maganda para sa bayan lalo na sa mga batang nanonood ang batuhan ng akusasyon nina Santiago at Enrile kahapon.

"Dapat magkaroon naman kami ng code of ethics... kung hindi ay tiyak na mangyayari ulit ito (bangayan),” pahayag ng Senador sa DZMM.

Kaugnay na balita: Drilon kina Santiago at Enrile: Ceasefire muna

"And I think may general sentiment sa Senado na sa lahat ng tumama na isyu dito kasama na 'yung sa pork barrel, hindi pwedeng 'pag nanood 'yung ating mga kababayan ng tv o nakinig sa radyo ay panay bangayan na lang ng senador ang abutin," dagdag niya.

Binansagan ni Santiago si Enrile ng psychopatic, hypersexualized serial womanizer sa kanyang 45-minutong privilege speech.

Bukod dito ay muling itinuro ng senadora ang dating senate president na siyang nasa likod ng bilyung-bilyong pork barrel scam.

Dahil dito ay nakiusap na rin si Cayetano sa dalawang beteranong senador na unahin na lamang ang mga mas mahahalagang bagay kaysa magbangayan.

"Alam nilang mas importante ngayon 'yung reconstruction ng mga lugar na tinamaan ng bagyo, man-made disaster... Parating na rin ang Pasko at ugali nating mga Pilipino na we forget all of the negative."

"Minsan ang nakikita ng senador hindi 'yung audience sa labas ng Senado kundi 'yung init ng isyu laban sa isa," dagdag niya.

ALAM

BINANSAGAN

BUKOD

CAYETANO

ENRILE

JUAN PONCE ENRILE

SENADO

SENADOR MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

SENATE MAJORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with