^

Balita Ngayon

Relief goods daw galing US ibinibenta sa Makati

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang ulat na pinagkakakitaan sa Makati City ang dapat sana ay mga Meals-Ready-To-Eat (MREs) para sa mga biktima ng super bagyong Yolanda (Haiyan).

Nitong araw ng Linggo ay nag-post sa Facebook ang isang Grace Alvarez ng isang larawan ng MREs na galing sa US army a sinabing ipinagbibili ang mga ito sa isang lugar sa Makati.

May mga ispekulasyon na ang mga naturangh MREs ay para talaga sa mga biktima ng super bagyo sa Visayas.

Kita sa naturang larawan ang indikasyon sa MREs na ito ay pag-aari ng US Department of Defense at may babala na ang pagbibili nito ay labag sa batas.

Ayon sa nag-post ng larawan, ang mga naturang MREs ay lantarang ipinagbibili sa Cash & Carry shopping mall sa Makati.

"Mga naiwan po ng Americano, ipinagbili ng isang General," it added.

Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, papaimbestigahan na ng Malakanyang ang naturang ulat sa pulisya.

"If this report is verified, maaaring siyasatin ito ng Philippine National Police," ani Coloma.

"Ang gusto natin maayos na pagkalinga at tulong sa ating mamamayan na naaayon sa ating batas. Anumang naganap na labag sa batas, tungkulin ng law enforcement agencies na siyasatin ito at ipatupad ang batas," dagdag ni Coloma.

AMERICANO

AYON

COLOMA

COMMUNICATIONS SECRETARY SONNY COLOMA

DEPARTMENT OF DEFENSE

GRACE ALVAREZ

MAKATI

MAKATI CITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with