MANILA, Philippines – Iginiit ng Malacañang ngayong Lunes na walang halong politika ang pagpili ni Pangulong Benigno Aquino III kay dating Senador Panfilo Lacson bilang rehabilitation czar.
Nakiusap si Presidential spokesman Edwin Lacierda na huwag nang gawing isyu ang pagpili kay Lacson na siyang mamumuno sa pagsasaayos ng mga sinira ng kalamidad sa Visayas partikular sa binayo ng bagyong “Yolanda†at ang mga sinira ng magnitude 7.2 na lindol sa Bohol.
“I think the whole drive towards reconstruction is to bring back the affected areas on its feet. There’s no issue, there’s no politics here,†pahayag ni Lacierda ngayong Lunes.
“Gagawin ang lahat para maiangat uli ang kabuhayan at katayuan ng mga naapektuhang lugar. I think this is something that we look forward to in helping the affected citizens in those affected areas,†dagdag niya.
Tinanggap kagabi ni Lacson ang posisyong ibinigay sa kanya ni Aquino at sinabing kaakibat nito ang maraming batikos mula sa publiko.
Kaugnay na balita: Lacson bilang rehab czar: 'Maraming trabaho at maraming batikos'
Sinabi ng dating senador na gagamitin niya ang kamay na bakal upang walang manamantala sa pondo ng rehabilitation.
"Itong bagong trabaho na ito, as much as possible, gusto ko rito consultative tapos may harmony, walang away. Ang nakikita ko lang na makikipag-away ako rito, 'pag may nakita akong maling paggamit ng pondo,†banggit ni Lacson.
Full Time
Ipinaliwanag din ni Lacierda kung bakit si Lacson ang napili ni Aquino.
“What we need really is somebody to handle the reconstruction efforts fulltime, given his national stature... and given that he’s also a senator he knows how to deal with all the different building blocks for reconstruction efforts,†paliwanag ng kalihim.
Dahil sa bagong posisyon ni Lacson, nilinaw naman ni Lacierda na walang magiging pagbabago sa mga tungkulin ng Gabinete sa pagsasaayos ng mga nasalanta.
Kaugnay na balita: Relief goods para sa mga 'highly-vulnerable families' na lang - DSWD
Nakaatas pa rin ang stress debriefing at pagbibigay ng tulong sa Department of Social Welfare and Development, habang ang Department of Energy ang mamamahala sa pagbabalik ng kuryente at ang Department of Interior and Local Government magbibigay ng seguridad.
“There’s no change in the situation. In fact that’s the reason why we have to have a rehabilitation czar, so the Cabinet secretaries could focus on their mandates,†sabi ni Lacierda.